Dahil Sa'yo [Live]


Sa piling mo buhay ko'y nagbabago
Dahil sa'yo pag-asa'y natatamo
Sa piling mo luha ko'y naglalaho
Dahil sa'yo panginoon
Dahil sa'yo

Batid ng aking puso
Wagas na pag-ibig mo
Kailanman saya o kalungkutan
O Diyos' di mo ko iniwan

Pangako mo panginoon
Di na muling sa'yo'y malalayo

Sa piling mo buhay ko'y nagbabago
Dahil sa'yo pag-asa'y natatamo
Sa piling mo luha ko'y naglalaho
Dahil sa'yo panginoon
Dahil sa'yo

Ikaw ang aking buhay
Sa'yo'y di na mawawalay
Pag-big mo ang aking kalakasan
Na tuwa na 'di mapantayan

Tanging ikaw panginoon
Sa buhay ko ay nagbigay saya

Sa piling mo buhay ko'y nagbabago
Dahil sa'yo pag-asa'y natatamo
Sa piling mo luha ko'y naglalaho
Dahil sa'yo panginoon
Dahil sayo

Lumipas man ang langit
Lumipas man ang panahon
Pag-ibig mo'y tapat panginoon

The most viewed