Dakilang Pag-Ibig
Dakilang pagibig saan man manahan
D'yos ay naroon walang alinlangan
Tinipon tayo sa pagmamahal ng ating poong si Hesus
Tayo'y lumigaya sa pagkakaisa sa haring nakapako sa krus
Dakilang pagibig saan man manahan
D'yos ay naroon walang alinlangan
Purihi't ibigin ang ating D'yos na S'yang unang nagmamamahal
Kaya't buong pagibig rin nating mahalin ang bawat kapatid at kapwa
Dakilang pagibig saan man manahan
D'yos ay naroon walang alinlangan
Iwasan lahat ang pagkapoot pag-aalinlanga't yamot
Sundin ang landasin ni Hesuskristo at ito'y halimbawa ng D'yos
Dakilang pagibig saan man manahan
D'yos ay naroon walang alinlangan
Mapalad ang gumagalang sa D'yos at sumusunod sa kanya
Tatamasahin n'ya ang kanyang biyaya pagpalain siya't liligaya
Dakilang pagibig saan man manahan
D'yos ay naroon walang alinlangan