Dalagang Pilipina


Ang dalagang Pilipina parang tala sa umaga
Kung tanawin mo'y nakaliligaya
May ningning ang puso't dakilang ganda
Maging sa ugali maging sa kumilos
Mayumi mahinhin mabini ang lahat ng ayos
Malinis ang puso maging sa pag-irog
May tibay at pining ng loob

Bulaklak na tanging marilag
Ang bango ay humahalimuyak
Sa mundo'y dakilang panghiyas
Pang-aliw sa pusong may hirap
Batis ng ligaya at galak
Hantungan ng madlang pangarap
Iyan ang dalagang Pilipina
Karapat-dapat sa isang tunay na pagsinta

Maging sa ugali maging sa kumilos
Mayumi mahinhin mabini ang lahat ng ayos
Malinis ang puso maging sa pag-irog
May tibay at pining ng loob

Bulaklak na tanging marilag
Ang bango ay humahalimuyak
Sa mundo'y dakilang panghiyas
Pang-aliw sa pusong may hirap
Batis ng ligaya at galak
Hantungan ng madlang pangarap
Iyan ang dalagang Pilipina
Karapat-dapat sa isang tunay na pagsinta

Iyan ang dalagang Pilipina
Karapat-dapat sa isang tunay na pagsinta