Dalagang Pilipina [Vocal Guide]
Ang dalagang Filipina parang tala sa umaga
Kung tanawin ay nakaliligaya
May ningning na tangi at dakilang ganda
Maging sa ugali maging sa kumilos
Mayumi mahinhin mabini ang lahat ng ayos
Malinis ang puso maging sa pag-irog
May tibay at tining ng loob
Bulaklak na tanging marilag
Ang bango ay humahalimuyak
Sa mundo'y dakilang panghiyas
Pang-aliw sa pusong may hirap
Batis nang ligaya at galak
Hantungan ng madlang pangarap
Ganyan ang dalagang filipina
Karapat-dapat sa isang tunay na pagsinta
Batis nang ligaya at galak
Hantungan ng madlang pangarap
Ganyan ang dalagang filipina
Karapat-dapat sa isang tunay na pagsinta