Di Ko Akalain


Akalain mo nga naman
Ako ay napagbigyan
Dasal napakinggan

'Di makapaniwala
Mukhang hindi na to biruan
Sawa na kong mapag laruan
Langit tadhana nagtulungan

Wala nang alinlangan
Pagkatapos ng delubyo
Sagabal at bagyo
Nandito pa rin ako
Nandito pa rin tayo

Pwede na bang magdiwang
Ikaw na ba ang hinirang
Para saking habambuhay

Di ko akalain
Pag-ibig ay panig sa atin
Nadining pala aking dalangin
Tadhana'y umamin na ika'y sakin at ako'y sayo (ako'y sayo ako'y sayo)
Ika'y sakin at (ako'y sayo ako'y sayo)
Ika'y sakin at (ako'y sayo ako'y sayo)
Ika'y sakin at (ako'y sayo ako'y sayo)
Ako'y sayo

Swerte o tsamba o tinadha na
O talagang itinakda na
Ikaw ay aking makasama
Sige patunugin na ang kampana
Oops teka muna kurutin mo nga ako
Tunay na ba ang pinapangarap ko
Sumuntok sa buwan nakiusap sa tala
Mukhang langit nagambala

Akala ko bahala na si Batman
Pero sapul pala parang suntok ni Pacman
Sumagot pasigaw puso humihiyaw
Ipaalam sa mundo ikaw lang at ikaw
Ako'y handa na kahit manghang mangha pa
Wala nang bakit siguro at baka
Habambuhay ngayon ay patunay
Huwag mag-alala langit ang ating patnubay

Di ko akalain
Pag-ibig ay panig sa atin
Nadining pala aking dalangin
Tadhana'y umamin na ika'y sakin at ako'y sayo (ako'y sayo ako'y sayo)
Ika'y sakin at (ako'y sayo ako'y sayo)
Ika'y sakin at (ako'y sayo ako'y sayo)
Ika'y sakin at (ako'y sayo ako'y sayo)
Ako'y sayo

Sumugal nadapa
Nasaktan nawala
Humingi ng himala
Sa langit nakatingala
Pinilit kumawala
Nandyan ka lang pala
Eto pala talaga
Wala nang iba

Sumugal nadapa
Nasaktan nawala
Humingi ng himala
Sa langit nakatingala
Pinilit kumawala
Nandyan ka lang pala
Eto pala talaga
Wala nang iba

Di ko akalain
Pag-ibig ay panig sa atin (sa atin)
Narinig pala aking dalangin (narinig pala narinig pala)
Tadhana'y umamin na ika'y sakin at ako'y sayo (ikay sakin yeah ako'y sayo ako'y sayo)
Ika'y sakin at (ako'y sayo ako'y sayo)
Ika'y sakin at (ako'y sayo ako'y sayo)
Ika'y sakin at (ako'y sayo ako'y sayo)
Ako'y sayo