Di Matinag na Pag - Ibig


Kalimutan ko man ang kabutihan mo
Mahumaling man sa mapang-akit na mundo
Mahirap kalimutan mahirap matakasan
Ang di matinag na pag-ibig mo
Ang di matinag na pag-ibig mo

Akin mang mawari landas ng buhay ko
Pilitin ko mang ikubli ang sarili
Hindi maunawaan ang pangangailangan
Sa di matinag na pag-ibig mo

Kalimutan ko man ang kabutihan mo
Mahumaling man sa mapang-akit na mundo
Mahirap talikuran mahirap matakasan
Ang di matinag na pag-ibig mo
Ang di matinag na pag-ibig mo

Ako'y inanyayahang muling magbalik sa iyo
Iminulat sa mabuti binuksan aking puso
Lumbay ay pinawi ako ay inakay
Sa di matinag na pag-ibig mo

Kalimutan ko man ang kabutihan mo
Mahumaling man sa mapang-akit na mundo
Mahirap talikuran mahirap matakasan
Ang di matinag na pag-ibig mo
Ang di matinag na pag-ibig mo