DIVINE
Tawagin mo ako sa pangalan ko
Hindi ko makakalimutan ang sinabi mo
Inukit mo ang mata ko sa kandilang dugo
Ano ang aking mapaglilingkod
Ilang beses na akong hinalikan ng karimlan
Hinding hindi pa rin sapat ang pag-awit ng pabalang.
Hindi pa ako nakapagsimula
Kung anu-ano na ang dula nila
Magpapakalumbay o maghihintay
‘Wag ka na tumawid nakamamatay
Anong uri ka ba ng hayop kaharap ng patalim 'kong to
Hahagurin hanggang kumain ang pangil mong bumaon sa iyo
Kakaiba ang iyong sigaw paos na paos sa paghikbi
Ginuguhit sa aking isip oras na para magbigti
O ako ba ang nadapa boses mo yata'y nangatal
Ikut-ikutin mo pa ako sa kagaguhan ng mortal
Tumigil ka ng kasasabi na ikaw ang mundo
Dahil walang interesado sa kasinungalingan mo
Pusang gala ayoko na’ng maawa
Ilang taong paghihirap nauwi sa ganitong paniniwala
Hahayaan ko nang basahanin ka ng aking lipunan
Hanggang sa huling patak ng luha'y aking masisilayan
Humanap ka na ng bayaning kakagat sa bulaan mong mga tula
Matagal na akong nawala walang makatang malugod kang isasalba
At 'di mo 'ko diwata o diwata o diwata o diwata
Wala ako sa langit 'di ako diwata o diwata o diwata o diwata
‘Di mo 'ko diwata
Hindi ka na nakinig sa makulay na panganib ng katauhan mo
Hindi ka man lang ba nahiya Paraluman Di ka ba mahal ng magulang mo
‘Wag kang maghanap ng mga santo sabi mo nga ano ba ang kaya ko
Sinagot ko na’t patawarin mo ako na talaga ang parusa mo dahil
Ako na mismo ang tatapos ng galaw mong padalos-dalos
Paraan ko'y di payapa o ang dugo mo na ang aagos
Isang haplos sa ‘king kamay ‘di nga kita kayang masaktan
Basta’t ‘wag na huwag na ako’ng pipiliin mong dasalan
Dahil 'di mo 'ko diwata o diwata
O diwata o diwata o diwata o diwata hindi mo ‘ko diwata