Halina


Siya ang tinapay ng napagpasan
Ang kaagapay ng napagpagan
Sa pagkaligalig sya'ng ating takbuhan
Ang kapanalig at kapahingahan
Halina halina ating papurihan
Si Yahweh na ating Diyos

Ang tagaakay ng naliligaw
Tubig ng buhay sa nauuhaw
Ang takot sa diwa'y kanyang gagapiin
Ang takot at luha'y kanyang papawiin
Halina halina't ating walhatiin
Si Yahweh na ating Diyos

Siya ang silungan ng masang takwil
Ang katarungan ng nasisiil
Siyang ang pag-asa sa pagkagupiling
Ang magpapalaya sa pagkaalipin
Halina halina't purihin purihin
Si Yahweh na ating Diyos

Ang kayaman ng uring dukha
Ang kaligtasan ng 'sang nilikha
Ang nagpapatawad sa nagkakasala
Siya ang gagawad sa nagtitiwala
Halina halina sa bahing dakila
Si Yahweh na ating Diyos