Hawak Kamay


Minsan madarama mo kay bigat ng problema
Minsan mahihirapan ka at masasabing 'di ko na kaya
Tumingin ka lang sa langit
Baka sakaling may masusumpungan
O 'di kaya ako'y tawagin
Malalaman mo na kahit kailan

Hawak kamay
Di kita iiwan sa paglakbay
Dito sa mundong walang katiyakan
Hawak-kamay
Di kita bibitawan sa paglalakbay
Sa mundo ng kawalan

Minsan madarama mo
Ang mundo'y gumuho sa ilalim ng iyong mga paa
At ang agos ng problema ay tinatangay ka
Tumingin ka lang sa langit
Baka sakaling may masusumpungan
O 'di kaya ako'y tawagin
Malalaman mo na kahit kailan

Hawak kamay
'Di kita iiwan sa paglakbay
Dito sa mundong walang katiyakan
Hawak-kamay
Di kita bibitawan sa paglalakbay
Sa mundo ng kawalan

Wag mong sabihin nag-iisa ka
Laging isipin may makakasama
Narito ako narito ako oh

Hawak kamay
Di kita iiwan sa paglakbay
Dito sa mundong walang katiyakan
Hawak-kamay
Di kita bibitawan sa paglalakbay
Sa mundo ng kawalan

Sa mundo ng kawalan (dito sa mundong walang katiyakan)
Hawak kamay hawak kamay hawak kamay
Sa mundo ng kawalan