Hiraya Manawari


Gusto kong abutin ang tayog ng ulap
Gusto kong sisirin ang lalim ng dagat
Gusto kong akyatin ang tuktok ng bundok
Tuklasin ang hiwaga sa puso ko'y bumabalot

Hiraya manawari hiraya manawari
Mga pangarap natin ating abutin
Ang kapangyarihan nasa puso natin
Hiraya manawari ating abutin

Kaya kong pakawalan ang hiwaga sa aking puso
Kaya kong hawakan init ng aking pangarap
Kaya kong isabog liwanag na aking taglay
Liwanag na nagsisilbing tanglaw ko sa patutunguhan

Hiraya manawari hiraya manawari
Mga pangarap natin ating abutin
Sa lakas ng isipan at busilak ng kalooban
Hiraya manawari ating abutin

The most viewed