Idol


Alright one two three four

Kay rami-raming naghihiyawan (idol)
Lahat sila'y nagsisigawan (idol)
Mga paa'y pumapadyak (idol)
Mga kamay pumapalakpak
Idol

Magmula ng marinig tinig mo sa himpapawid
Sa puso'y may biglang pumintig
Paghangang walang kapares
Di maipahiwatig ang nararamdaman
Tila ba nadaanan ng kung anuman
Lagi kang inaabangan sa TV o radyo man
Hanggang sa pagtulog ay napapanaginipan
Bawat makitang larawan mo'y ginugupit
At sa dingding ng silid ito'y dinidikit

Sa buong mundo aking ipagsisigawan
Na ako'y iyong tagahanga magpakailanman
Paghanga sana ay wag mong isang tabi
Kapag iyon ay nangyari luha'y dadaloy sa aking pisngi

Kay rami-raming naghihiyawan (idol)
Lahat sila'y nasisigawan (idol)
Mga paa'y pumapadyak (idol)
Mga kamay pumapalakpak
Idol

Idol ayos ka tol lahat dumapa i love you idol

Sa buong mundo aking ipagsisigawan
Na ako'y iyong tagahanga magpakailanman
Paghanga ay sana wag mong isangtabi
Kapag iyon ay nangyari luha ay dadaloy sa aking pisngi

Kay rami-raming naghihiyawan (idol)
Lahat sila'y nasisigawan (idol)
Mga paa'y pumapadyak (idol)
Mga kamay pumapalakpak
Idol

Kay rami-raming naghihiyawan (idol)
Lahat sila'y nagsisigawan (idol)
Mga paa'y pumapadyak (idol)
Mga kamay pumapalakpak
Idol

The most viewed

April Boy Regino songs in June