Inang Mahal


Inang mahal
Mariang ina sa kandungan mo'y nahimlay
Ang sanggol mong aming buhay

Pakinggan mo
At ihatid aming mga panalangin
Kay Hesus na kaligtasan namin

Pag-ibig mo inang kay tamis
Ipadama mo sa aming tumatangis
Turuan mo kaming magmahal
Kay Hesus aming tagapagligtas

Inang mahal
Huwaran ka ng pagsisilbi sa Diyos
Sa pag-akap mo kay Hesus

Pakinggan mo
Ang panalangin naming matularan ka
Sa tindi ng pag-ibig mo sa kanya

Pag-ibig mo inang kay tamis
Ipadama mo sa aming tumatangis
Turuan mo kaming magmahal
Kay Hesus aming tagapagligtas