Inday Ng Buhay Ko


Inday ng buhay ko ikaw ay nasaan
Bigla kang nagtampo ano ang dahilan
Kung diringgin mo lang ang puso kong namamanglaw
Taghoy ko araw-araw ikaw ikaw Inday

Larawan mo Inday hinahagkan-hagkan
Kinakausap ko luha'y bumubukal
Saan kaya ngayon ikaw ay matatagpuan
Kapag di ka nakita ako'y mamamatay

Saan kaya ngayon ikaw ay matatagpuan
Kapag di ka nakita ako'y mamamatay
Nahan nahan
Nahan ka o Inday