Kahit Konting Pagtingin


Kahit konting liwanag ng pag-ibig
Ang igawad sa pusong nahahapis
Ang pag-asa’y para kong nakikita
At ang kaligayaha’y aking nadarama

Kahit kaunting liwanag ng pag-ibig
Ang sa aki'y iyong ipahiwatig
Kunwari'y kay ganda ng langit
At ang awit kung dinggin ay kay tamis

Kahit konting pagtingin
Kung manggagaling sa ‘yo
Ay labis ko nang ligaya
Dahil sa ikaw ay mahal ko

Kahit konting pagtingin
Kung manggagaling sa ‘yo
Ay labis ko nang ligaya
Dahil sa ikaw ay mahal ko

Kahit konting liwanag ng pag-ibig
Ang igawad sa pusong nahahapis
Ang pag-asa’y para kong nakikita
At ang kaligayaha’y aking nadarama

Kahit konting liwanag ng pag-ibig
Ang sa aki'y iyong ipahiwatig
Kunwari'y kay ganda ng langit
At ang awit kung dinggin ay kay tamis

Kahit konting pagtingin
Kung manggagaling sa ‘yo
Ay labis ko nang ligaya
Dahil sa ikaw ay mahal ko

Kahit konting pagtingin
Kung manggagaling sa ‘yo
Ay labis ko nang ligaya
Dahil sa ikaw ay mahal ko

Kahit konting pagtingin
Kung manggagaling sa ‘yo
Ay labis ko nang ligaya
Dahil sa ikaw ay mahal ko

Kahit konting pagtingin
Kung manggagaling sa ‘yo
Ay labis ko nang ligaya
Dahil sa ikaw ay mahal ko
Oh mahal ko