Kaibigan Kapanalig [Based on John 15:12-17, from "Purihi't Pasalamatan"]
Ang atas ko sa inyo
Mga kaibigan ko
Ay magmahalan kayo
Tulad ng pagmamahal ko sa inyo
May hihigit pa kayang dakila
Sa pag-ibig na laan
Ialay ang buhay
Alang-alang sa kaibigan
Kayo na'y kaibigan ko
Kung matutupad ninyo
Ang iniaatas ko
Kayo'y di na alipin
Kundi kaibigan ko
Lahat ng mula sa Ama
Nalahad ko na sa inyo
Kayo'y hinirang ko
Di ako ang hinirang niyo
Loob kong humayo kayo
At magbunga ng ibayo
Ito na ang siyang utos ko
Na bilin ko sa inyo
Magmahalan kayo
Magmahalan kayo