Kapantay Ay Langit


Mahal kita kapantay ay langit sinta
At lagi kong dasal sa Maykapal
Ang lumigaya ka
Kahit ngayon mayroon ka nang ibang mahal
Hinding-hindi pa rin ako magdaramdam

Ngunit sinta sakaling paluhain ka
Magbalik ka lamang
Naghihintay puso ko't kaluluwa
Pag-ibig ko kapantay ay langit hirang
Hindi magbabago kailan pa man

Ngunit sinta sakaling paluhain ka
Magbalik ka lamang
Naghihintay puso ko't kaluluwa
Pag-ibig ko kapantay ay langit hirang
Hindi magbabago kailan pa man

Hindi magbabago kailan pa man