Kapantay Ay Langit
Dusa'y kayang matiis
Kahit pa anong pait
Dahil sa pagmamahal
Na kapantay ay langit
Mahal kita
Kapantay ay langit sinta
At lagi kong dasal sa Maykapal
Ang lumigaya ka
Kahit ngayon (kahit ngayon)
Mayron ka nang ibang mahal
Hinding-hindi pa rin ako
Magdaramdam
Ngunit sinta
Sakaling paluhain ka
Magbalik ka lamang naghihintay
Puso ko't kaluluwa
Pag-ibig ko
Kapantay ay langit hirang
Hindi magbabago
Kailan pa man
Pag-ibig ko
Kapantay ay langit hirang
Hindi magbabago
Kailan pa man