Kung Ako'y Iibig
Kung ako ay pipili
Ng lalaking iibigin
Kahit siya’y isang mahirap
Tapat lamang kung siya’y umibig
Di ko nais ang lalaking
Salawahan sa pag-ibig
Kahit saan siya magtungo
Mayrong ibat-ibang nilalangit
Kung ako ay hahanap
Ng aking mahal sa buhay
Nais ko’y isang lalaking
Magmamahal sa akin nang tunay
Di ko nais ang binatang
Lapastangan saking magulang
Kung matatagpuan ko ay ganyan
Mabuti pa’y walang nagmamahal
Ngunit sabi ng aking nanay
Pag saki’y mayrong nanligaw
Siya raw ay papayag na
Kung tapat na saki’y nagmamahal
Kaya naman aking hinahangad
Ang pagsintang hindi kukupas
Ang pagsuyong walang hanggan
Iingatan magpahanggang wakas
Kung ako ay hahanap
Ng aking mahal sa buhay
Nais ko'y isang lalaking
Magmamahal sakin ng tunay
Di ko nais ang binatang
Lapastangan saking magulang
Kung matatagpuan ko ay ganyan
Mabuti pa'y walang nagmamahal
Ngunit sabi ng aking nanay
Pag saki’y mayrong nanligaw
Siya raw ay papayag na
Kung tapat na saki’y nagmamahal
Kaya naman aking hinahangad
Ang pagsintang hindi kukupas
Ang pagsuyong walang hanggan
Iingatan magpahanggang wakas
Ang pagsuyong walang hanggan
Iingatan magpahanggang wakas