Kung Hindi Man


Irog sandaling dinggin
Ang aking pagtangis
Irog sandaling tunghan
Ang humihibik
Kung di man nararapat sa iyong dikit
Isang sulyap mo lamang
Aliw na ng dibdib

Kung saki'y wala nang inilaang paglinga
At ang pagdurusa ko ang siya mong pangarap
Sa isang ngiti iyong sa aki'y igawad
Libo mang kamatayan aking tinatanggap

Kung saki'y wala nang inilaang paglinga
At ang pagdurusa ko ang siya mong pangarap
Sa isang ngiti mong sa aki'y igawad
Libo mang kamatayan aking tinatanggap