Kung Kailangan Mo Ako


Mayro'ng lungkot sa 'yong mga mata
At kay bigat ng 'yong dinadala
Kahit 'di mo man sabihin
Paghihirap mo'y nadarama ko rin

Narito ang mga palad ko
Handang dumamay kung kailangan mo
Asahan mong mayro'n kang kaibigan
Laging tapat sa 'yo

At kung kailangan mo ako
Sa oras ng iyong pag-iisa
Kung naninimdim asahan mong ako ay darating
Kung kailangan mo ako
Sa sandaling bigo na ang lahat
Pusong kay tamis kailanma'y 'di kita matitiis
Sa sandaling kailangan mo ako

Narito ang mga palad ko
Handang dumamay kung kailangan mo
Asahan mong mayro'n kang kaibigan
Laging tapat sa 'yo

At kung kailangan mo ako
Sa oras ng iyong pag-iisa
Kung naninimdim asahan mong ako ay darating
At kung kailangan mo ako
Sa sandaling bigo na ang lahat
Pusong kay tamis kailanma'y 'di kita matitiis
Sa sandaling kailangan mo
Sa sandaling kailangan mo ako