Likhain Mong Muli


Ilikha mo kami ng 'sang bagong puso
Hugasan ng kamay na basa ng dugo
Linisin ang diwang sa halay ay puno
Ilikha mo kami ng 'sang bagong puso

Itindig mo kami kaming iyong bansa
Akayin sa landas patungo sa kapwa
Ihatid sa piging na 'yong inihanda
Itindig mo kami kaming iyong bansa (itindig mo kami kaming iyong bansa)

Amang Diyos 'yong baguhin na ang tao't daigdig
Sa banal na takot sambang nanginginig
Ibalik ang puso't bayang nanlalamig
Likhain mong muli kami sa pag-ibig