Magalak Sa Kapanganakan


Hindi ba'y may Maria't Joseng na nanahan
Sa bawat taong nais ay manilbihan
Ang pag-sangayon nila ay tularan
Muli ay dinggin kanyang kalooban

Hindi ba't tayo ang tupa at pastol
Na naglalayag patungo sa sanggol
Payak man ay tigib naman ng pag-ibig
Hangad ay umawit ng kanyang himig

Tanaw ang tanglaw patungo sa kanya
Sa Betleham ay tunghayan ang saya
Ang ating Mesiyas doon sa sabsaban
Ang taga pag-ligtas ng sanlibutan ah ah ah

Halina halina't magalak sa kapanganakan
Halina halina't magdiwang
Si Kristo ay isinilang
Ngayong kapaskuhan papurihan
Awitan ang kapanganakan halina

Hindi ba't tayo ang tatlong haring mago
Tangan ang regalong s'yang alay kay Kristo
Sundan ang bituing taglay ang pag ning-ning
Nang tanging hiling sa siya'y makapiling

Tanaw ang tanglaw patungo sa kanya
Sa Betleham ay tunghayan ang saya
Ang ating Mesiyas doon sa sabsaban
Ang taga pag-ligtas ng sanlibutan

Halina halina't magalak sa kapanganakan (kapanganakan)
Halina halina't magdiwang
Si Kristo ay isinilang (isinilang)
Ngayong kapaskuhan papurihan
Awitan ang kapanganakan
Awitan ang kapanganakan ha ha