Magkaibang Mundo


Di na ba tayo magbabago
Napagod na sa pakikibaka
Ba't 'di kaya tayo magkasundo-sundo

Dumagat na ang mga luha
Lilipas na ang panahon
Sugat na tila'y walang kasing hapdi

Nasan ka man ngayon
Sana'y mabuti ka
Magkaibang mundo
Sana'y maisip mo ako
Ako

Tuloy ang awit sa ilalim ng tala
Unti-unting maaabot
Pagsapit ng dilim aking hiling

Kung di na masilayan
Tamis ng kahapon
Sumpa ko na aking itatanim

Nasan ka man ngayon
Sana'y mabuti ka
Magkaibang mundo
Sana'y maisip mo

Walang balakid walang makakapigil
Ang iyong pangalan sigaw ng damdamin
Hindi alam kung san tutungo kung wala ka