Magtitiis Ako


Magtitiis ako alang-alang sayo
Maghihintay ako sana'y di ka magbago
Magtitiis ako alang-alang sayo
Magkalayo man tayo maghihintay ako

Magtitiis ako kahit na ika'y maglilo
Darating din ang araw
Na iyong malalaman
Na ako'y iyong mahal

Hilingin mo man sa akin na ikaw ay layuan
Ay aking susundin lumigaya ka lang
Magtitiis ako kung yan ang nararapat
Upang makilala mo ang pagsuyo kong wagas

At kung tayo ay hindi na muling magkita
Ipagdasal mo sana sawi kong pagsinta
Sadyang ganyan ang buhay na aking sinapit
Kung di ka magtitiis ay di mo makakamit ang tunay na pag-ibig