Malay Mo Maging Tayo [Inday Will Always Love You Theme Song]
Paano ko aaminin ito
Tunay kong nadarama para sayo
Alam ko na magkaibigan lang
At may ibang nilalaman ang iyong puso
Pano ko kaya matututunan kalimutan lang
Pagtibok ng puso ko'y mapipigil ko ba
Pag-ibig na di pa mapagbibigyan
At hindi ko magawang pakawalan
Maghihintay ako
Maghihintay sayo
Dahil bukas malay mo
Maging tayo
Hmm
Kay tagal ko na nadarama
Paglukso nitong damdamin
Tuwing nariyan ka na
O bakit di mo tingnan
Tamis nating pinagsamahan
Bawat sandaling tinawag mo ang aking ngalan
Paano kung nabubulagan na ang iyong pagtingin
Pagkat sigaw ng puso ko ako'y iyo't ika'y akin
Pag-ibig na di pa napagbibigyan
At hindi ko magawang pakawalan
Maghihintay ako
Maghihintay sayo
Dahil bukas malay mo
Maging tayo
Sa tagal na magkasama
Ano bang di nakikita
At kailangan pang humanap ng iba
Hindi maging isa
Mundo nating dalawa
Ako sana'y iwanan na
Pag-ibig na di pa napagbibigyan
Ngayon na ba ang panahong pakawalan
Ngunit natututo ba
Tigilan na sa pag-asa
Na baka bukas malay mo
Maging tayo
Ooh