Minsan Minsan


Nalimutan mo na nga kaya ako
Sa piling ng iba
Minsan minsan sana'y maalala

Naalala mo ba ako
Kahit paminsan-minsan
Nalulungkot ka rin ba
Na kagaya ko

Bakit nga ba nagkalayo
Tayo sa isa't isa
Nag-away sa isang bagay
Na walang halaga

Maligaya ka kaya ngayon sa iyong minamahal
Meron na kayang pumalit sa pitak ko sa puso mo
Nalimutan mo na nga kaya ako sa piling ng iba
Minsan minsan sana'y maalala

Di ka ba nanghinayang
Sa naglahong pangarap
Tinalo ang pag-ibig
Ng pagmamalaki

Maligaya ka kaya ngayon sa iyong minamahal
Meron na kayang pumalit sa pitak ko sa puso mo
Di mo ba ako naaalala kahit minsan minsan lang
Inaamin ko mahal pa rin kita

Sana'y malaman mo
Na mahal mo pa ako
Aking inaasahan
Na bumalik ka na