Nariyan
Pwede rin namang hindi tayo nagkatagpo
Pwede rin namang iba ang tawag ng puso
Pwede rin namang sariling tinig ay 'di na tuklasan
Pwedeng wala ngunit nariyan
Pwede rin namang walang mga titik at himig
Pwede rin namang walang gustong makarinig
Pwede rin namang walang naidulot ang bawat hakbang
Ngunit may ro'n anong dahilan
Pwedeng hindi bakit oo
Pwedeng ganon bakit ganito
Sa lawak ng pagpipilian bakit kaya tayo ang nariyan
Nariyan nariyan nariyan
Sunod-sunod nag uumapaw (nariyan)
Walang patid nakamamangha (nariyan)
Pag-ibig n'yang nakasisilaw
'Pagkat sa bawat nariyan siya ang sanhi at simula
Lahat lahat lahat ay biyaya
Pwede rin namang hindi umalab ang sindi
Pwede rin namang hindi sumibol ang binhi
Pwede rin namang matagal nang nakaabot sa hangganan
Ngunit narito naroon nariyan
Pwedeng hindi ngunit oo
Pwedeng ganon ngunit ganito
Kaya ngayon walang sawang nagdiriwang tayo
Sa ngalan ng Diyos ng nariyan
Nariyan nariyan nariyan