Natuto Akong Magmahal Dahil Sa’yo
Sa puso ko irog
Ay hinding-hindi mapaparam
Ang tanging larawan mo
Magpakailan man
Natutong magmahal
Yaring aking puso
Ng dahil lang sa iyo'y
Natutuhan kong sumuyo
Huwag mong pabayaang
Pag-ibig ko ay masiphayo
Ang sumpa ko'y wagas
Banal at hindi nagbibiro
Sasambahin kita
Sa gabi at araw
Ang puso ko'y sayo
Habang buhay
Kahit ano ang mangyari
Di ka iiwan
Buhay ko't kaluluwa'y
Tanging sa iyo lamang
Kahit ano ang mangyari di ka iiwan
Buhay ko't kaluluwa'y tanging sa iyo lamang