O, Bakit Ba?


Nalimot mo na ba ang ating nagdaan
Wala na bang ganap maging sa isipan
Nalimot mo na ba ang yakap ko't halik
Wala na ba ang dating pag-ibig

Naaalala mo pa ba ang tulad ko
Na dati ay nagmamahal sa tulad mo
Mayroon na bang iba ngayon sa puso mo
Kaya't nalimot mo agad ako

Ang pag-ibig ay bakit ba ganyan
Kahit pa gawin lahat ay di nagtatagal
Ang akala ko'y tayo ng dalawa
Ngunit 'di pala pagkat mawawala ka pa
O bakit ba

Naaalala mo pa ba ang tulad ko
Na dati ay nagmamahal sa tulad mo
Mayroon na bang iba ngayon sa puso mo
Kaya't nalimot mo agad ako

Ang pag-ibig ay bakit ba ganyan
Kahit pa gawin lahat ay di nagtatagal
Ang akala ko'y tayo ng dalawa
Ngunit hindi pala pagkat mawawala ka pa
O bakit ba

Ang pag-ibig ay bakit ba ganyan
Kahit pa gawin lahat ay di nagtatagal
Ang akala ko'y tayo ng dalawa
Ngunit hindi pala pagkat mawawala ka pa

Ang pag-ibig ay bakit ba ganyan
Kahit pa gawin lahat ay di nagtatagal
Ang akala ko'y tayo ng dalawa
Ngunit hindi pala pagkat mawawala ka pa
O bakit ba o bakit ba