Pag Agos


At sa aking pagkubli
Hampas ng araw pagdamdam ng gabi
Tulog ang iyong mga kamay
Di na 'ko makapag-antay

Isang umaga muling aahon
At sisikat sa mga panahon
Na tayo pang dalawa
Oh masayang nagsasama

Buong araw ng pag-agos
Kailan ang huling unos
Di alam kung tatakbo oh
O kusang lalayo sa'yo oh

Isang umagang muli ng pag-iisa
Walang mayakap at makasama ah
Pusong pilit na sinugatan
Landas kong karaniwan

Buong araw ng pag-agos
Kailan ang huling unos
Di alam kung tatakbo oh
O kusang lalayo sa'yo oh

Malayo man malapit din
Ayos lang agos lang