Pagbabago


Di ka ba nagtatanong
Sa'n tayo patungo
Di ka ba naghahangad ng pagbabago
Katotohanan at katarungan
Ating makakamtan
Kung hindi tayo mananahimik lamang

Kung dati ay walang pakialam
Dahil di natin alam
Galing sa Diyos ating kapangyarihan
At pananagutan
Ngayon hamon ng pagbabago
Nasa ating harapan
Katotohanan ang magpapalaya
Sa sambayanan

Pagbabago sigaw ng bayang totoo
Bagong mukha ng ating bansa
Sa 'tin magmumula
Pagbabago sigaw ng Pilipino
Pinagpalang lahi ng mga bayaning totoo

Di ka ba nagtataka
Di tayo umuunlad sa kabila ng ating pagsisikap
Kalayaa't kasaganaan ating matitikman
Kung di hiwalay pag-ibig sa Diyos at bayan

Dati ay walang pakialam
Dahil di natin alam
Galing sa Diyos ating kapangyarihan
At pananagutan
Ngayon hamon ng pagbabago
Nasa ating harapan
Katotohanan ang magpapalaya
Sa sambayanan

Pagbabago sigaw ng bayang totoo
Bagong mukha ng ating bansa
Sa 'tin magmumula
Pagbabago sigaw ng Pilipino
Pinagpalang lahi ng mga bayaning totoo

Pagbabago sigaw ng bayang totoo
Bagong mukha ng ating bansa
Sa 'tin magmumula
Pagbabago sigaw ng Pilipino
Pinagpalang lahi ng mga bayani

Pagbabago sigaw ng bayang totoo
Bagong mukha ng ating bansa
Sa 'tin magmumula
Pagbabago sigaw ng Pilipino
Pinagpalang lahi ng mga bayaning totoo