Pagkat Mahal Kita
Iniibig kita
Puso ko't kaluluwa buong buhay ay iaalay
Kulang ang salita upang malaman mo
Ang nararamdaman ng puso ko
Kay saya ng mundo
Labi ay may ngiti pag kapiling ka aking mahal
Kulang ang araw ko
Pag hindi ka man lang nasilayan
Habang may tinig pa'y aawitan ka't
Habang may buhay pa'y aalayan ka sinta
Sana'y magtiwala ka
Pangako ko'y hindi ka iiwan
Sa buhay ko'y tanging ikaw lamang
At kahit sabihin pang nababaliw sayo
Iyan ay pagkat
Mahal kita
Habang may tinig pa'y aawitan ka
Habang may buhay pa'y aalayan ka sinta
Sana'y magtiwala ka
Pangako ko'y hindi ka iiwan
Sa buhay ko'y tanging ikaw lamang
At kahit sabihin pang nababaliw sayo
Iyan ay pagkat
Mahal kita
Pangako ko
Kailan pa ma'y
Di ka na luluha sinta
Tandaan mong
Lagi kitang mamahalin
Pangako ko'y hindi ka iiwan
Sa buhay ko'y tanging ikaw lamang
At kahit sabihin pang nababaliw sayo
Iyan ay pagkat
Mahal kita
Iyan ay pagkat
Mahal kita