Pananatili


Hmm hmm

Huwag mong naising lisanin kita
Wala 'kong hangaring ika'y mag-isa
Sa'n man magtungo ako'y sasabay
Magkabalikat sa paglalakbay

Mananahan sa tahanang sisilong sa 'yo
Yayakapin ang landasin at bayan mo

Poon mo ay aking ipagbubunyi (hm)
At iibigin nang buong sarili (hm)
Sa'n man abutin ng paghahanap (hm)
Ikaw at ako'y magkasamang ganap (hm)

Ipahintulot nawa ng Panginoon (Panginoon)
Ni kamataya'y maglalaho anino ng kahapon

Dahil pag-ibig ang alay sa 'yo mananatili ako (pag-ibig ang alay sa 'yo mananatili ako)
H'wag nang naising tayo'y mawalay (h'wag nang naising tayo'y mawalay)
H'wag nang isiping (h'wag nang isiping)
Magwawakas ang paglalakbay (magwawakas oh ah ah)

'Wag mong naising lisanin kita
Wala 'kong hangaring ika'y mag-isa
Sa'n man magtungo ako'y sasabay
Magkabalikat sa paglalakbay

Mananahan sa tahanang sisilong sa 'yo
Yayakapin ang landasin at bayan mo

'Wag mong naising lisanin kita (oh)