Papuri
Itaas na ang mga mata
Sa panginoong lumikha
Ng mga lupa at tala
Ng gabi at umaga
Itaas na sa kanya
Mga himig at kanta
Tula’t damdamin mga awitin
Lahat na ay ialay sa kanya
Kalikasa’y nangagpupugay
May mga huni pang sumasabay
Pagpupuri ang nadarama
Sa Diyos na ‘ting ama
Itaas na sa kanya
Mga himig at kanta
Tula’t damdamin mga awitin
Lahat na ay ialay sa kanya
Isigaw sa iba (isigaw isigaw sa iba)
Ang papuri sa Diyos ama (papuri sa Diyos ama)
Lahat ng lugod at lahat ng saya’y
Ialay sa kanya
Itaas na ang mga mata
Sa panginoong lumikha
Ng mga lupa at tala
Ng gabi at umaga
Itaas na sa kanya
Mga himig at kanta
Tula’t damdamin mga awitin
Lahat na ay ialay sa kanya
Ialay sa kanya