Pasko na naman, Mahal ko


Pasko na naman giliw ko
Nagdiriwang ang mga tao
Nang magsumpaan tayo ay araw din ng pasko
Gintong alaalang hindi magbabago

Ngayon ay pasko na naman
At para bang kahapon lamang
Nang ikaw at ako ay nagsumpaan
Ng wagas na pagsusuyuan

Pasko nang magsimula
Ang ating pagmamahalan
Kaya ang pasko ay pasalamatan
Sa ligayang ating nakamtan

Pasko nang magsimula
Ang ating pagmamahalan
Kaya ang pasko ay pasalamatan
Sa ligayang ating nakamtan