Pinakamamahal


Wala na ngang mahihiling ang puso ko
Bukod tangi kang umuunawa sa katulad ko
Mga pagkakamali ay napapatawad mo
Ikaw lang ang paka-iibigin ko

Wala na ngang mahihiling ang puso ko
Nasa sa 'yo ang hinahanap ko
Pinakamamahal pinakamamahal kita
Ako'y hindi magsasawa na lagi ay ibigin ka
Pinakamamahal pinakamamahal kita
Kailanman ay di ka mag-iisa

Marahil nga'y mapalad ang katulad ko
Sa dinami-dami ay ako pa ang napili mo
Kung may kulang sa akin ay sabihin mo
Lahat ay gagawin para sa yo

Wala na ngang mahihiling ang puso ko
Nasa sa 'yo ang hinahanap ko
Pinakamamahal pinakamamahal kita
Ako'y hindi magsasawa na lagi ay ibigin ka
Pinakamamahal pinakamamahal kita
Kailanman ay di ka mag-iisa

Ako'y sumusumpa sa yo
Hanggang sa kailanma'y
Pakaiibigin ka
Maaasahan mo
Pinakamamahal pinakamamahal kita
Ako'y hindi magsasawa na lagi ay ibigin ka
Pinakamamahal pinakamamahal kita
Kailanman ay di ka mag-iisa