Pumapatak Ang Ulan
Pumapatak na naman ang ulan sa bubong ng bahay
Di maiwasang gumawa ng di inaasahang bagay
Laklak ng laklak ng beer magdamagan
May kahirapan at di maiwasan
Mabuti pa kayang matulog ka na lang at baka sumakit ang tiyan
Ang araw ko'y nabubusisi
Ako ang nasisisi
Bakit ba sila ganyan
Ang pera ko ay di magkasya di makapagsine
At ayaw naman dagdagan
Ubos na rin ang beer
Kaya kape na lang
Lahat sinusubukan kahit walang pulutan
Ang buhay ng tamad walang hinaharap
Ni konting sarap man lang
Radyo tv at mga lumang komiks
Wala ng ibang mapaglibangan
At kung meron kang tatawagan
Load mo sa telepono'y mababawasan ah
Dururu
Umiindak ang paa sa kumpas ng tugtuging bago
Hanggang kumpas ka nalang at di mo na alam ang tono
Sa paghinto ng ulan ano ang gagawin
Huwag ng isipin at walang babaguhin
Mabuti pa kaya matulog ka nalang
Matulog na ng mahimbing
Pumapatak na naman ang ulan
Dududu
Pumapatak na naman ang ulan