Putik Sa Sarili


Sabihin mo sa akin
Saan hahanapin ang sarili
Pilit mo mang sukatin
Hindi mabibilang ang sakit

Putik sa iyong sarili
Naglalarawan ng iyong mundo
Pilit mo mang linisin
Sadya ang utak nila ang marumi

Saan naroon
Kalayaan na ating pinapangarap
Sino tutugon
Ipaglaban ang ating karapatan

Di mo man aminin
Nakikita kong wala ka nang lakas
Pinipilit mong buhayin
Kultura na iyong pinagmulan

Ako'y narito
Hayaan mong ialay ko ang buhay
Upang tumugon
Linisin ang ating kinabukasan

Saan naroon
Kalayaan na ating pinapangarap
Sino tutugon
Ipaglaban ang ating karapatan

Ako'y narito
Hayaan mong ialay ko ang buhay
Upang tumugon
Linisin ang ating kinabukasan


Writer/s: FERRY BALTAZAR, JEFF BAUIN, MARCK ESTRELLA