Sa Dapit Hapon
T'wing dakong dapit-hapon minamasdan kong lagi
Ang paglubog ng araw
Hudyat ng takipsilim
Ganyan ang aking buhay
Kung may dilim ang buwan
Hihiwat sa baybayin sa pagsapit ng dilim
Kung magawa ko lamang
Ang hangin ay mapigil
At ang dilim ng hatinggabi'y
Wag sanang magmamaliw
Upang ang palakaya
Ay laging masagana
Sa tangan kong liwanag ang kawa'y lalapit
Nang dakong dapit-hapon piging ng Panginoon
Sa mga kaibigan ay mag huling hapunan
Sa bagong salu-salo nagdiriwang ang bayan
Ang tanging kanyang hain ay sarili nyang buhay
Nang dakong dapit-hapon piging ng Panginoon
Sa mga kaibigan ay mag huling hapunan
Sa bagong salu-salo nagdiriwang ang bayan
Ang tanging kanyang hain ay sarili nyang buhay