Sa Isang Tingin

Hindi ko maintindihan ang aking nararamdaman
Ang loob ko sa’yo ay kay gaan
Hindi ka mawala sa isip ko
Laging bukambibig ay pangalan mo
Ano nga bang meron ka

Sa isang iglap nagbago ang lahat
Paano ko ngayon ipagtatapat

Sa isang tingin nakuha kitang ibigin (iniibig kita)
‘Di ko na nakaya pang pigilin (wala ng iba)
Paano ko sa’yo sasabihin
Sa isang tingin para bang mga pangarap ko’y natupad dahil sa’yo (pangarap dahil sayo)
Ang lahat ng ito dahil sa isang tingin
Dahil sa isang tingin

Kapag ika’y kasama na lungkot ko’y nawawala
Ikaw ang aking ligaya
Kung mayron mang mahihiling
Tayong dalwa’y magkapiling
Habambuhay mamahalin kita

Sa isang iglap nagbago ang lahat
Paano ko ngayon ipagtatapat (sayo nagbago ang lahat)

Sa isang tingin nakuha kitang ibigin (iniibig kita)
‘Di ko na nakaya pang pigilin (wala ng iba)
Paano ko sa’yo sasabihin
Sa isang tingin para bang mga pangarap ko’y natupad dahil sa’yo (pangarap dahil sayo)
Ang lahat ng ito dahil sa isang tingin
Dahil sa isang tingin

Oh