Sa Iyong Pag-Ibig
Ako'y nananabik makapiling ka sa bawat sandali
Walang isang saglit nanaising sa iyo ay mawaglit
Tangi kong dalangin manatili (oh)
Sa iyong pag-ibig mamalagi (ah)
Awitin ko'y hiling na ang 'yong ngiti ang nais makamit
At sana'y mabatid ang pagkabighani ng aking dibdib
Kung hindi man sasapat ang paghimig
Hayaang buhay ko'y sa 'yo maiawit (maiawit)
Ako'y yakapin mo 'wag mong pahihintulutang malayo
Poon pakinggan mo ang sigaw ng pusong naakit sa 'yo
Sa hustong paggiliw mo ay lingapin
Nang sa bawat pagpintig ay hanapin (ah)
O pag-alabin mo adhika ng puso'y pagningasin mo
Ako'y yakapin mo sa iyong pag-ibig ay itago mo
Ako'y yakapin mo hmm