Sa Yakap Mo


Sana sa bawat sandali
Laging kapiling ka
At magmula sa paggising ko'y
Namamasdan kita
Di ko kaya na malayo sa 'yo
Ganyan lagi ang pag-ibig ko
Maging buhay ko'y ilalaan sayo

Sa yakap mo
Namamayani ang saya
Alam ko na
Kailanman ay di na mag-iisa
Sa yakap mo
Langit ang siyang nadarama
Tayo ay hindi na magwawalay pa

Kahit sa panaginip ko'y
Palaging naroon ka
Di magsasawa na sa tuwina ay
Hinahagkan kita
Di ko kaya na malayo sayo
Ganyan lagi ang pag-ibig ko
Maging buhay ko'y ilalaan sa'yo

Sa yakap mo (sa yakap mo)
Namamayani ang saya
Alam ko na
Kailanman ay di na mag-iisa
Sa yakap mo
Langit ang siyang nadarama
Tayo ay hindi na magwawalay pa

Sa yakap mo oh
Sa yakap mo (sa yakap mo)
Namamayani ang saya
Alam ko na
Kailanman ay di na mag-iisa
Sa yakap mo
Langit ang siyang nadarama.
Tayo ay hindi na magwawalay pa
Tayo ay hindi na magwawalay pa
Sa yakap mo