Sambayanang Binuklod


Sambayanang binuklod sa pag-ibig ni Kristo
Magdiwang
Sambayanang pinatawad at biniyayaan
Magpuri na
Di ka man karapat-dapat
Di pa rin pababayaan at sa puso ng D'yos may pitak tayong lahat

Bilin niya na lahat tayo'y magpatawad magmahalan
Turing niya sa ating lahat kaibigan niya't 'di utusan

Sambayanang binuklod sa pag-ibig ni Kristo
Magdiwang
Sambayanang pinatawad at biniyayaan
Magpuri na
Di ka man karapat-dapat
Di pa rin pababayaan at sa puso ng D'yos may pitak tayong lahat

Mithi niya sa kanyang bayan maglingkod na taos-puso
Kupkupin ang maralita mahalin ang aba ng mundo

Sambayanang binuklod sa pag-ibig ni Kristo
Magdiwang
Sambayanang pinatawad at biniyayaan
Magpuri na
Di ka man karapat-dapat
Di pa rin pababayaan at sa puso ng D'yos may pitak tayong lahat

Tanglawan n'yo nawa Hesus ang tinipon n'yong simbahan
At dalhin sa paglawig ng pananampalataya't dangal

Sambayanang binuklod sa pag-ibig ni Kristo (sambayanang binuklod)
Magdiwang
Sambayanang pinatawad at biniyayaan (sambayanang)
Magpuri na
Di ka man karapat-dapat (di ka man karapat-dapat)
Di pa rin pababayaan (di pa rin pababayaan )
Sa puso ng D'yos may pitak tayong lahat (may pitak tayong lahat)

Sa puso ng D'yos may pitak tayong lahat