Sapagkat Mahal Kita


Giliw ikaw ang buhay
Puso'y sa iyo lamang
Tanging ang iyong larawan
Aliw ng pusong nagmamahal

Dahil sa'yo may buhay ang daigdig
Pawang lahat ay may awit
Yaong bukid maging hangin sila'y naiinggit
At ang batis ng pagsuyo ang syang dinaraing

Pag-ibig na kay tamis di magmamaliw sinta
Kahit ako'y tuluyang maglaho sa mata
Kailan pa man sumpa'y di mag iiba
Magpa-hanggang sa wakas mahal kita

Yaong bukid maging hangin sila'y naiinggit
At ang batis ng pagsuyo ang syang dinaraing

Pag-ibig na kay tamis di magmamaliw sinta
Kahit ako'y tuluyang maglaho sa mata
Kailan pa man sumpa'y di mag-iiba
Magpa-hanggang sa wakas mahal kita