Sayang Na Sayang
Araw at gabi ikaw ang hinahanap
Panaginip ko'y laging kasama ka (kasama ka)
Tamis ng pag-ibig mo napapangarap ko
Sa aki'y walang ibang katulad mo
Kay ganda naman ng ating pagsasama (pagsasama)
Ikaw at ako ay laging masaya (masaya)
Ngunit biglang nagbago mga pangako mo
Tayong dal'wa ngayo'y magkalayo
Sayang na sayang lang ang pag-ibig mo
Laan pa naman ang puso ko sa'yo
Naalala ka kung nag-iisa
Sa pangarap ko'y kasama kita
Kung iibig kang muli sana'y mag-ingat (mag-ingat)
Nang wala nang puso pang masasaktan (masasaktan)
Pipiliting matupad mga pangako ko
Ganyan ang pag-ibig na totoo
Sayang na sayang lang ang pag-ibig mo
Laan pa naman ang puso ko sa'yo
Naalala ka kung nag-iisa
Sa pangarap ay kasama kita
Sayang na sayang lang ang pag-ibig mo
Laan pa naman ang puso ko sa'yo
Naalala ka kung nag-iisa
Sa pangarap ay kasama kita
Sayang na sayang lang
Sayang na sayang lang
Sayang na sayang lang ang pag-ibig mo
Naalala ka kung nag-iisa
Sa pangarap ay kasama kita
Writer/s: Ben Escasa, Choy Lopez