Tanging Dios Lamang Ang Nakaka-Alam


Ang buhay tulad ng isang awit lamang
Mayrong simula at may katapusan
Ang araw at gabi lumulungkot hirang
Sa mga suliraning pinaglalabanan

Ang aking pagkukunwari sa buhay
Pagbabalatkayo sa katotohanan
Anuman ang aking maging kapalaran
Tanging Dios lamang ang nakakaalam

Ang araw at gabi lumulungkot hirang
Sa mga suliraning pinaglalabanan

Ang aking pagkukunwari sa buhay
Pagbabalatkayo sa katotohanan
Anuman ang aking maging kapalaran
Tanging Dios lamang ang nakakaalam