Tatay


Oh oh oh
Ang isip ang sabi hindi para sa akin 'to
Ang isip ang yakap maaari pa 'kong lumayo

Inaamin ko sa 'king panaginip
Nayanig ang buhay kong dati'y tahimik
Ngunit bakit ngayon ako'y nananabik na ika'y aking kalungin
Tatay ang 'yong tawag sa akin (ho ho ho)

Ang puso ang kabig akong magtatanggol sa 'yo (ang puso ang kabig akong magtatanggol sa 'yo)
Ang puso ang pilit ako'y maging sandalan mo (ang puso ang pilit ako'y maging sandalan mo)

Inaamin ko sa 'king panaginip
Nayanig ang buhay kong dati'y tahimik
Ngunit bakit ngayon ako'y nananabik na ika'y aking kalungin (bakit ngayon)
Tatay ang 'yong tawag sa akin (ha ha ha)

Ang langit ang bilin hinihintay ka ng mundo (hinihintay ka)
Ang langit ang awit dakila ang pangalan mo (Emanuel)

Inaamin ko sa 'king panaginip
Nayanig ang buhay kong dati'y tahimik
Ngunit bakit ngayon ako'y nananabik

'Di ka man sa akin galing
Tatay ang 'yong tawag sa akin (ho ho ho)