Tungo Sa'yo

Tinawag mo akong maging katulad mo
Tahakin ang landas na sa yo'y nagpako
Naisin ko mang lumigaya sa lupang pangako
Daa'y di ko tanto puso'y naghihingalo

Nais kong magpunta kung nasaan ka
Makita ka at masilaw sa 'yong liwanag at ganda
Marinig ka't isigaw ang awit mo't harana
Lunurin ng yakap mo't buhayin ng 'yong kalinga

Ngunit paano hahakbang itong abang sugatan
Paano tatahakin ang landas na di alam
Paano kita makikita sa gitna ng karimlan
Pangako mong aakayin ako ang siyang tangi panghahawakan

Nais kong magpunta kung nasaan ka
Makita ka at masilaw sa 'yong liwanag at ganda
Marinig ka't isigaw ang awit mo at harana
Lunurin ng yakap mo't buhayin ng 'yong kalinga

Tungo sa’yo ay hahakbang marahan man
Ika'y daratnang sa aki'y nag-aabang

Nais kong pumunta kung nasaan ka
Makita ka at masilaw