Umasa Ka


Umasa ka pag-ibig ko sayo'y 'di mag-iiba
Hangga't ang buhay ay mayroon pang natitirang hininga
'Di ipagpapalit kahit kanino pa
Walang ibang mamahalin kundi ikaw lang aking sinta

Umasa ka na ang damdamin ko'y 'di magbabago
Ako'y nangangako pag-ibig kong ito'y 'di maglalaho
'Pag ika'y kapiling ko langit ang aking mundo
'Pagkat laging pangarap ko makasama ka o giliw ko

Ikaw lamang ang nagpatibok sa aking puso
Umasa kang pagsuyo ay tanging sa iyo
Umasa ka ako'y magmamahal ng tapat sa'yo
Umasa ka na ikaw lang ang mahal ko

'Di ipagpapalit kahit kanino pa
Walang ibang mamahalin kundi ikaw lang aking sinta

Pag ika'y kapiling ko langit ang aking mundo
'Pagkat laging pangarap ko makasama ka o giliw ko

Umasa ka
Umasa ka o giliw ko

The most viewed

April Boy Regino songs in June