Wala Kang Habag
Sa magdamag na pagluha at pagdaing
Nagising ang mga bulaklak
At ang tala'y biglang nagningning
Ngunit ikaw na mahal ko'y di nahabag
Sa puso kong ang tanging aliw ay pagsinta mong wagas
Halos ako'y mabaliw
Sa tindi ng madlang hinagpis
Ngunit hindi mo pansin ang pusong ito na nagtitiis
Kung may buhay man ako
Pagkat ikaw ang langit
Ang mamatay ay langit ko rin kung dahil sa pag-ibig
Halos ako'y mabaliw
Sa tindi ng madlang hinagpis
Ngunit hindi mo pansin ang pusong ito na nagtitiis
Kung may buhay man ako
Pagkat ikaw ang langit
Ang mamatay ay langit ko rin kung dahil sa pag-ibig